side
side
side
side
side

JOINING THE PROMO

Kailan puwede maghulog ng entries?
Ang submission ng entries ay April 27 to July 5, 2024 (10 promo weeks).
May age requirement ba ang pagsali sa promo?
Walang age requirement ang pagsali sa promo, pero kailangang may valid na pirma ang entries na ipadadala. Kung nabunot ang isang entry, kailangan magpakita ng winner ng valid IDs na may kaparehong detalye at pirma sa entry para ma-validate ito.
Kapag ako ay isang OFW, puwede ba sumali?
Lahat ng residente ng Pilipinas ay qualified sumali sa Kapuso Bigtime Panalo. Kapag may address kayo sa Pilipinas, maaaring isulat ang address na ito. Puwede niyo rin anyayahan sumali ng Kapuso Bigtime Panalo ang inyong kamag-anak sa Pilipinas.
Isa sa mga kamag-anak ko ay nagtatrabaho sa isa sa mga participating drop box partners at participating sponsors. Puwede ba ako sumali?
Lahat ng empleyado at kamag-anak ng mga empleyado ng GMA Network, subsidiaries, promo agency, sponsors at iba pang media o promo-related partners, hanggang third degree of consanguinity at affinity, ay disqualified sa pagsali sa promo.

SUBMISSION OF ENTRIES

Puwede bang computerized ang aking contact details?
Parehong valid ang handwritten at printed-out entries. Siguraduhin lamang na ang inyong pirma ay handwritten.
Puwede ba i-combine ang mga proof-of-purchase ng participating brands sa isang entry?
Ang pag-combine ng proof-of-purchase ng iba’t ibang participating brands sa isang entry ay invalid.
Puwede bang makulay ang ballpen na pangsulat ko?
Puwedeng gumamit ng kahit anong kulay ng ballpen/ink basta't malinaw ang detalye at contact details na nakasulat sa papel.
Puwede ba ako mag-submit ng entry sa Mercury Drug o Puregold branch sa NCR kahit na ang permanent address ko ay sa Visayas?
Puwede maghulog sa kahit saang participating drop box location ng Mercury Drug at Puregold outlets o GMA TV and Radio Stations, basta't nakasulat ang tamang address sa contact details sa entry at ang area kung saan nakatira sa likod ng envelope.
Puwede ba ako gumamit ng sariling envelope?
Kahit anong size ng envelope na plain white ay valid (puwede ang short or long envelope).
Saan ko makikita pa ang iba't ibang drop box locations nationwide?
Makikita sa website na ito ang kumpletong listahan ng drop box locations nationwide. Maaari rin bumisita sa Official Facebook Page ng Kapuso Bigtime Panalo (www.facebook.com/GMAPromos).
Wala akong landline number. Puwede ba na cellphone number ang isulat ko sa contact details ko?
Ang cellphone number ay valid at maaaring isulat na contact detail.
Kapag hindi ko nalagay ang aking edad sa entry (o kahit anong detalye na required), puwede pa rin ba ako manalo?
Ayon sa approved promo mechanics at tuntunin ng FDA, lahat ng entries na hindi kumpleto ang detalye (For Mamimili: name, age, complete address, contact number, at handwritten signature; For Sari-Store Owners: name, age, store name, complete address, contact number, at handwritten signature) ay magiging invalid.
Ang proof-of-purchase ko ay napunit at nahati na. Valid pa ba ito?
Ang entry ay dapat 70% complete o intact. Kapag nangalahati na ito, hindi na ito valid.

PRIZES AND WINNERS

Saan puwede makita ang listahan ng prizes?
Puwede makita ang listahan ng prizes sa Mechanics Poster na nakakabit sa drop boxes. Puwede rin ito makita sa www.facebook.com/GMAPromos at www.promos.gmanetwork.com/gmapromos
Tax-free ba ang mga prizes ng Kapuso Bigtime Panalo?
Oo, lahat ng cash prizes ay tax-free.
Ano ang mapapanalunan sa Kapuso Bigtime Panalo?
Php1,000.00 ang mapapanalunan ng daily winners. Php7,000.00 o Php70,000.00 naman weekly. At Php1,000,000.00 ang grand prize para sa swerteng mamimili at sari-sari store owner participant.
Ano ang additional na mapapanalunan ng winner at ng kanyang partner sari-sari store sa Kapuso Bigtime Panalo?
Php200.00 each ang mapapanalunan ng winner at ng kanyang partner sari-sari store.
Kapag nagsubmit ako ng entries ng Week 1, puwede pa ba ako manalo sa Week 2 at sa iba pang weeks?
Lahat ng entries na ipinadala sa loob ng playing weeks ay valid pa rin sa raffle draw sa mga susunod na promo weeks. Kung hindi nabunot ang iyong entry sa linggong iyon, may pagkakataon pa rin ito mabunot sa raffle draws sa mga susunod na promo weeks at sa Grand Draw.
Saan ang announcement ng winners?
Ang pangalan ng winners ay ia-announce on-air sa social media via Facebook Live sa GMA Promos Facebook Page www.facebook/GMAPromos. Puwede rin makita ang listahan ng winners sa aming microsite http://promos.gmanetwork.com/gmapromos/
Paano ang notification ng winners? Kung ako ay nanalo, paano ko makukuha ang aking premyo?
Ang lahat ng winners ay ino-notify ng official GMA representative via official text message and phone call para magbigay ng requirements at detalye kung paano makukuha ang premyo. Siguraduhin na valid ang contact number na ilalagay sa inyong entries.
Ano pa ang importanteng malaman tungkol sa promo?

1.Promo participants explicitly authorize GMA, its principals, subsidiaries, affiliates and its agencies to use their image/s, image/s of Proof/s of Purchase and personal information provided for participation in the Promo in any medium of release (mass media, digital media, etc.), any press release, or any other medium suitable for the promotion of GMA or any of its participating sponsors, in accordance with its privacy policy which can be accessed through http://www.gmanetwork.com/privacypolicy and in compliance with existing data privacy laws and regulations, including but not limited to the Data Privacy Act of 2012 and its Implementing Rules and Regulations..

2.Winners will be subject to verification of GMA Network, Inc.

3.All prizes are non-convertible and non-transferrable.