Poll Results: Si Gabo ang napili ng mga Kakambal para kay Eliana!

Dalawa sa kalalakihan ng GMA Afternoon Prime na “Kakambal ni Eliana” ang malapit sa puso ni Eliana at sila ay si Julian at si Gabo. Si Gabo ay naging kaibigan ni Eliana simula nang tumakas siya mula sa basement habang si Julian ay nakilala niya, tumulong din sa kanya at kalaunan naging kasintahan. 
 
Sa gitna ng lahat ng nangyayari ngayong hindi pa nakikita nina Gabo at Julian si Eliana, may kanya kanyang nararamdaman ang bawat isa. Si Gabo, patuloy pa rin ang pagdepensa para sa reputasyon ni Eliana sa pag-asang makita siya muli. Si Julian, hindi pa rin handang makipagrelasyon kahit na tinatapon na ni Marga ang sarili sa kanya. 









Sa pagpost ng poll question, “Sino ang magmamahal kay Eliana ng buong buo?” Nanalo si  Gabo sa bilang na 127 votes as against Julian with 27 votes at ito ang mga naging reaksyon ng ating netizens: 


  























Nakuha na natin ang reaksyon ng netizens sa topic na ito. Sino naman kaya ang mananaig sa puso ng pinakamamahal nating si Eliana? Abangan ang lahat ng ito sa GMA Afternoon Prime tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Maghihintay Pa Rin.” Makibalita sa cast at kwento ng telenovela sa facebook https://www.facebook.com/GMAKakambalNiEliana at sa Twitter https://twitter.com/GMAEliana. 
 
-Anjelica Que, GMA Social Media