Sino ang nagpapangiti at nagpapasaya kay Bryan Benedict?

"Ang saya, ang gaang ng pakiramdam!" ang agad na sagot ni Bryan Benedict ng tanungin siya kung "kamusta na siya?"sa isang blog-con para sa morning soap ng GMA 7 na "With a Smile". Ibinahagi rin ng Protege finalist kung ano ang nararamadaman niya on set bilang si "Elvis" at kung sino ba talaga ang nagpapangiti sakanya tuwing umaga.
 
Sinagot niya kaagad kung ano ang nagpapasaya sakanya ngayon, "Ang fans! Tuwang tuwa ako sa reaksyon nila sa With a Smile, yung pakiramdam na gusto nila yung pinaghihirapan namin". Na-mimiss naman kaya ni Bryan ang "Protege"? "Oo naman, iba rin kasi ang challenge nun at ang tagal ko rin di nakasama ang mga katrabaho ko dun, dito naman natural na natural ang lahat parang ako lang talaga sa tutuong buhay, "alaskador at makulit".
 
First time ni Bryan Benedict makatrabaho si Christian at sa unang buwan ng taping ay ramdam na ramdam niya na ang pagkaclose nila. "ang sungit kasi ng role niya kaya asar talo si Aston sakin pag take na". Nang itanong namin kung team-Aston ba siya o team Dean, "Syempre kina Aston ako! Pero hindi ko rin talaga alam kung para kanino talaga si Ate Isay, yan ang secret ng production team samin!"
 
Sino naman kaya ang nagpapangiti kay Bryan tuwing umaga? "Ang parents ko, mga blessings na dumadating sakin and of course God, laging nasa isip ko na lahat ng nakikila kong tao ay may dahilan at lahat sila ay blessing galing kay God". Sinabi rin niya na lahat ng ginagawa niya ay para sa kanyang pamilya.

Ngayon na napapalapit na si Aston kay Isay, ano naman kaya ang plano ni "Elvis" upang magkatuluyan na ang dalawa? Abangan natin yan sa "With a Smile " tuwing umaga, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kusina Master. Maki-balita sakanila sa Facebook https://www.facebook.com/GMAWithASmile at sa Twitter https://twitter.com/WithASmileGMA.

- Kevin Carlos, GMA Social Media Specialist


 Go To Comments