Mikael Daez talks about his love for food.

“I love food! I love being fit!” Yan ang unang sinabi ng TV commercial model - turned actor na si Mikael Daez ng tanungin siya kung ano ang paborito niyang libangan sa isang blog-con para sa hit morning soap ng GMA7 na "With A Smile".
 
Isa sa mga bagong proyekto ni Mikael ay ang “Midnight Snack”, ang limang-minutong food trip segment gabi-gabi sa GMA Network news program na Saksi. Kitang kita sa show ang pagkahilig ni Mikael sa iba’t ibang klase ng ulam at  ang kaalaman niya sa kultura ng Filipino food.
 
Nang itanong naman ang 25 year old actor kung ano ang pinaka-paborito niyang kainin, agad niyang sinagot ito ng, “Anything with brown rice, why? Because it’s healthy, it’s unpolished rice, buong-buo pa ang grain”. Nalaman rin namin na isa siyang health ambassador ng Oxfam sa programang #GrowChallenge.
 
Malawak ang pagkahilig ni Mikael sa pagkain, paborito niya ang steak, pancakes, burgers at adobo. Minsan rin daw sinusubukan niya magluto para sa kanyang pamilya at mga kaibigan, nang itanong siya kung nagluluto ba siya para kay Andrea Torres, ngumiti ang actor at sinagot ito “pwede rin, good idea yan!”
 
Kitang kita sa tindig niya ang resulta ng kanyang healthy diet at pagiging fit, inalam namin kung ano ang ginagawa niya para ma-maintain ito, “Sinasabay ko ng work out, mahilig ako mag jogging at mag weights” sabi ng actor. Isa rin daw ito sa preperasyon niya sa pagangap niya bilang si “Dean” (With a Smile), “syempre, chick-boy yung role ko, kelangan maganda ang katawan”.
 
 
Excited na ang lahat para sa mga fitness adventures ni Mikael, abangan siya gabi-gabi sa “Midnight Snack” at tuwing umaga sa “With a Smile”, I like rin ang official fanpage nito sa Facebook (https://www.facebook.com/GMAWithASmile) at sa Twitter (https://twitter.com/WithASmileGMA)
 
-Kevin Carlos GMA Social Media Specialist