Click for Kilig! JuliElmo's Top 7 Sweetest Moments

Hindi inaasahan nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona na isa sila sa magiging pinakasikat na love teams ngayong taon. Maraming fans ang napakilig sa “JuliElmo” chemistry lalo na sa kanilang performances sa Party Pilipinas, Together Forever at Just One Summer. Tinanong namin ang fans, at ito ang top 7 sweetest moments of JuliElmo:

7. OMG! as in Over, Mega, Grabe sa Kilig!

Kasama sa top JuliElmo kilig moments ang pagkapanalo nina Julie Anne at Elmo bilang male and female performers of the year sa recent Yahoo! OMG Awards. Hindi nakapagpigil sa pag-chant at pagtili ng “JuliElmo” ang kanilang mga fan habang nag-“Thank You” ang dalawa sa stage!

Todo suporta ang mga fans ng JuliElmo loveteam kaya nagwagi rin ang “JuliElmo Pexers” bilang Fan Club of the Year sa Yahoo! OMG Awards.


6. From Friends to Lovers

Sa Sunday afternoon teen series na “Together Forever,” nag-level up ang pagkakaibigan ng lead characters na sina Ely (Elmo) at Toyang (Julie Anne) into magka-ibigan. Marami ang kinilig at sumuporta kina Ely at Toyang kaya nonstop din ang pag-ti-trend ng mga hashtag patungkol sa dalawa katulad na lang ng #HappyMonthsaryElyandToyang at #TogetherForever sa Twitter. And who could ever forget Toyang’s debut scene? Super kilig ang naramdaman ng fans nang yayain ni “Parekoy” Ely ang debutante na mag-slowdance under the stars! May mas bongga pa ba sa intergalactic na birthday gift na ‘yon? Haba ng hair mo, gurl!
(Image courtesy of screencap from http://www.youtube.com/watch?v=BOjRKG70Ffo)


5. Help me, I’m fallin’

While performing in Party Pilipinas, aksidenteng nadulas si Julie Anne at siyempre, to the rescue ang kanyang “knight in shining armor” na si Elmo. Extremely concerned si Elmo at inalalayan niya kaagad si Julie Anne. But the show must go on. Tinuloy pa rin si Julie ang kanyang song number at kinantahan pa niya si Elmo. Kilig much!

4. Don’t Lie To Us, JuliElmo!
Dahil sa mga kumalat na photos na magkasama sina Julie Anne at Elmo sa isang coffee shop last year, nag-isip ang mga fans kung in a relationship na ba talaga sila.

Para malaman ang buong katotohanan, sumalang sa Lie Detector Test sa segment na “Don’t Lie To Me” ng Showbiz Central noong 2012 ang dalawa. Tinanong sila kung totoong nag-de-date na nga sila. Hindi na nila naikaila pa ang kanilang pag-de-date dahil mismong ang hindi nagsisinungaling na Lie Detector Machine na ang kumumpirma sa issue! Hindi lang yan, nabuking din sa nasabing segment na si Elmo ang nagbayad ng coffee at movie ticket ni Julie Anne. True gentleman ‘di ba?

3. Take 1… Take 2… Take 3… Take… ka.. lang?

Sa 2012 movie na “Just One Summer” na siyang pinakaunang title movie ng JuliElmo love team, nagkadevelopan ang mga karakter nina Elmo at Julie Anne na sina Neil (Elmo) at Beto (Julie Anne). Alam niyo ba na sa pelikulang iyon, inabot ng 6 takes ang kanilang pinakaunang kissing scene bago nila na-perfect ito? Teka lang, ‘di kaya sinadya ng dalawang paulit ulit ang kanilang kissing scene? Anyway, binansagan ng mga JuliElmo fans na “Jaguar Kiss” ang nasabing kissing scene dahil nangyari ito sa loob ng isang Jaguar na kotse. Sobrang cheesy and sosy, right?

2. The ultimate confession

Isa sa mga hindi malilimutan ng fans na JuliElmo moment ay ang finale episode ng “Together Forever” kung saan , finally, ay nag-confess na si Ely (Elmo) kay (Toyang). “Ikaw ang pinakamahalaga sa akin. Hindi ko talaga kakayanin kung mawawala ka kasi mahal na mahal kita, Toyang,” ang sabi ni Ely kay Toyang. As usual, gulong to death na naman ang mga JuliElmo fans!


1. Ipato mo sa “Yes”!

(Image courtesy of Avid Liangoren’s Red Mask video)
Ayon sa fans nila, nagsimula ang JuliElmo instant connection sa short film series na “Red Mask” na pinakita sa Party Pilipinas noong 2010. Sa isang eksena, pasimpleng nagpropose si Elmo kay Julie Anne sa pamamagitan ng paglaro ng piko. Sa dulo ng base, kailangan tumalon si Julie Anne either sa “Yes” or “No” sa slot. Siyempre, mahihindian ba ni Julie Anne si Elmo? Kaya sa “Yes” siya tumalon. Dahil dito, umalingawngaw ang tilian ng mga fans sa buong studio habang pinapanood ito.


Bitin ba kayo sa ating countdown ng JuliElmo kilig moments? Visit GMANetwork.com regularly para sa latest updates tungkol sa inyong favorite loveteams kasama na ang “JuliElmo”.

Samantala, samahan sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona sa isang Live Chat via www.gmanetwork.com/livechat on Wednesday, July 31, 2013 from 2:00PM-4:00PM! Don’t miss it.

Also, follow GMA Network on Twitter (http://twitter.com/gmanetwork) and LIKE its official fan page on Facebook (http://www.facebook.com/gmanetwork) to learn more about the live chat. Kitakits!

Sheena Peña, GMA Social Media Specialist