Top 10 Highlights ng Kakambal Ni Eliana

Bago ang pagtatapos ng hit TV series tuwing hapon na “Kakambal Ni Eliana,” muli nating balikan ang mga tumatak sa puso ng manonood. Ito ang listahan ng top 10 highlights na ginanap sa paborito nating programa. 
1) Revelation that Eman and Isabel are the real parents of Eliana 
 
Sa simula palang ng programa, kinilig na tayo kanila Eman at Isabel. Nagkahiwalay sila ng landas ngunit nahanap pa rin nila ang isa’t isa. Naging mahirap ang lakbay nila bago malaman na sila nga ang tunay na mga magulang ni Eliana ngunit lumabas ang katotohanan at ngayon, buo na silang muli.
 
2) The birth of Eliana 
 
Naging sikreto sa tunay na mga magulang ni Eliana ang kanyang kapanganakan. Hindi alam ni Eman na nagbunga ang kanilang pagmamahalan ni Isabel habang tinago naman ni Lolo Eddie at Aurora ang katotohanan mula sa anak nilang si Isabel. 
 
3) Nang sinagot ni Eliana si Julian 
 
Simula nang nakita ni Julian si Eliana sa fashion show, napamahal na ito. ‘Love at first sight’ ika nga. Kaka-break lang nila ni Marga kaya naman tinulay niya ang panliligaw kay Eliana. Sinagot siya ni Eliana sa carnival habang andun din sa eksena si Gabo, nagseselos. Sa mga panahong ito, hindi pa niya alam ang sikreto ni Eliana. 
 
4) Nang mag tapat si Gabo kay Eliana 
 
Sa una pa lang ay tanggap na ni Gabo ng buong buo si Eliana; na may kakambal siyang ahas. Hindi na napigilan ni Gabo ang nararamdaman niya nang tumakas sila sa mga humahabol sa kanila. Nasa tren sila papuntang Bicol habang nagtapat ito habang tulog si Eliana. 
 
5) Nang tumakas sa lab ni Professor Banal sina Gabo at Eliana
 
Nagtulungan ang dalawa sa pagtakas ngunit nahulog sa patibong si Eliana kaya nagkahiwalay sila ng landas. Nang nasunog ang lab, ang buong akala ng lahat ay patay na si Eliana. Nagbalik si Eliana ngunit hindi lamang si Prof. Banal ang gusting kumitil sa buhay niya kung hindi si Minerva na rin. 
 
6) Ang mga tarayan ni Isabel at Nora sa fashion show, presinto, bahay etc 
 
Minsan nakakatawa, nakakainis at nakakaiyak. Ito ang labanang Nora at Isabel. Matindi ang kanilang sagutan. Sumakabilang buhay na si Nora, ngunit ipaghihiganti siya ng kapatid niyang si Minerva. Abangan kung sino ang mananaig!

7) Ang mga paghaharap ni Gabo at Julian na parehong may gusto kay Eliana
 
Wala nang makapagtatalo sa labanang Gabo at Julian. Naging malapit ang dalawa kay Eliana ngunit si Eliana pa rin ang magdedesisyon kung sino sa dalawa ang sigaw ng puso niya. 
 
8) Ang paglabas ni Claire - batang may down syndrome na kunyari ay anak ni Eman at Isabel
 
Paniwalang paniwala talaga ang mag-asawa na siya na ang nawawala nilang anak. Mabuti na lamang at malapit pa rin Eliana sa pamilya kahit tagapag-alaga lang ito.
 
9) Ang paglabas ni babaeng serpente at ang pag aaway nila ni Eliana 
 
Nagbagong anyo na nga si Minerva. Lahat ay nakatutok sa paghaharap nila ni Eliana dahil ito na ang pinakamahirap na pagdadaanan ni Eliana. Sino kaya ang magtatagumpay? Abangan sa huling linggo ng Kakambal Ni Eliana.
 
10) Ang pagkakabuo sa pamilya ni Eliana sa bandang huli
 
Sino ang hindi humahangad ng isang masayang pamilya? Nagkita sa wakas sina Eman, Isabel at Eliana. Pakatutukan kung magiging buo pa rin ang pamilya matapos ang labang Eliana at babaeng serpente. 
 
Maraming salamat sa mga tagasubaybay ng aming programa. Sa huling linggo, marami pa pong pasabog na parating kaya tutok lang po. Abangan ang lahat ng exciting na mangyayari sa GMA Afternoon Prime, “Kakambal Ni Eliana” tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Maghihintay Pa Rin.” Makibalita sa cast at kwento ng telenovela sa Facebook https://www.facebook.com/GMAKakambalNiEliana at sa Twitter https://twitter.com/GMAEliana. 
-Anjelica Que, GMA Social Media Specialist