Celebrity Life

Andrea Torres, ibinahagi ang kanyang napakahabang morning skincare routine

By Marah Ruiz
Published February 29, 2020 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres shares her routine


Sa isang vlog, ipinakita ni Andrea Torres ang kabuuan ng kanyang morning skincare routine.

Maraming iba't ibang produkto ang ginagamit ni Kapuso actress Andrea Torres sa kanyang morning skincare routine.

Ibinahagi niya ang mga ito sa isang vlog sa kanyang Youtube channel.

Mahalaga daw sa kanya ang kanyang routine dahil ito ang simula ng kanyang araw.

"Naniniwala lang ako na kailangan mong alagaan 'yung sarili mo para mag-function ka better. Kailangan siyempre meron ka rin time na i-pamper ang sarili mo para you feel good.

"Nase-set niya 'yung tone for the day. I actually look forward to my skincare routine everyday, morning and night," panimula niya sa kanyang vlog.

Gumagamit si Andrea ng iba't ibang cream at serum para sa kanyang mukha, lips at pati mga kuko. May mga oil at spray din siya para sa kanyang buhok.

Kaya naman daw niyang gawing simple ang kanyang routine, pero hilig din daw talaga niyang i-pamper ang sarili.

"Hindi pa tapos? No, kapag nagmamdali ako, ginagawa ko 'tong tatlo lang: toner, moisturizer, and sunscreen.

"Pero 'pag may time ako, and usually talaga I really allot time to do my skincare kasi nga na-enjoy ko siya. Ganito talaga siya karami," paliwanag niya.

Paalala din ni Andrea na mahalaga ang pag-aalaga sa sarili.

"O 'di ba ang sarap mag-skincare? Parang ang sarap sa pakiramdam when you take care of yourself.

"Dapat hindi ka manghinayang talaga na mag-invest sa mga products na nakaka-feel good. Kasi deserve mo 'yun! You're working so hard," aniya.

Panoorin ang kanyang buong morning skincare routine dito: