
Nakapanayam ng media si Jeric Gonzales sa kaniyang 25th birthday-concert celebration na inihanda ng kaniyang mga fans last July 8 sa Icon Hotel, Quezon City. Dito, binahagi ng Kapuso actor ang kaniyang birthday wish.
Aniya, "Siyempre good health sa 'kin and sa family at success dito sa showbiz. Sana 'tong 2017, mas gumanda 'yung career ko."
PHOTO BY MICHAEL PAUNLAGUI, GMANetwork.com
Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya ngayon?
"Right now, mas focused ako sa physical aspect. I'm 25 and turning into a mature artist so kailangan mas maganda 'yung katawan ko, mas fit, at may kaunting sexy na. 'Yung music, hindi ko pa rin kinakalimutan kasi iyon 'yung passion ko talaga."
Handa na raw si Jeric na tumanggap ng mature na roles ngayong 25 na siya.
"Ngayong 25 na ako, dapat nilang abangan na mas daring, mas sexy, at mas passionate na artist," sambit niya.
Lastly, nagbigay rin ng mensahe si Jeric para sa kaniyang mga fans.
"Thank you so much sa palagi n'yong pagsuporta sa 'kin at sa unconditional love. Sa JericNatics, Jeric Warriors, Team Jeric, Friends of Jeric, at lahat ng sumusuporta sa'kin, thank you! Mahal ko kayo," wika ni Jeric.