Celebrity Life

WATCH: Klea Pineda, nagtapos na ng senior high school

By Jansen Ramos
Published March 26, 2018 5:49 PM PHT
Updated March 26, 2018 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi biro na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista kaya't naiintindihan daw ni Klea Pineda ang pinagdadaanan ng mga tulad niyang working students.

Hindi hadlang ang pag-aartista para sa Sirkus star na si Klea Pineda para makatanggap ng diploma.

Nagtapos siya ng senior high school nitong Biyernes, March 23, sa Springfield International School.

Ayon sa 19-year-old actress, dugo at pawis ang kanyang ipinuhunan para makuha niya ito. Hindi raw niya sinayang ang isang taon at pilit niyang inabot ang pangarap na makapagtapos.

"Everytime na wala akong taping, nagpupunta ako ng school, half-day para mag-exam. Minsan nagpapadala naman ng modules 'yung professors ko sa email ko para sagutan ko," bahagi niya sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Hindi biro na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista kaya't naiintindihan daw ni Klea ang pinagdadaanan ng isang working student. 

Saad niya, "Saludo rin po ako sa mga working students lalo na 'yung mga kasabayan ko na may ganitong edad."

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng StarStruck alumna kung ano'ng kurso ang kanyang papasukin pagtuntong ng kolehiyo. Paraan daw kasi ito para makamit niya ang kanyang dalawa pang pangarap bukod sa pag-aartista - ang maging flight attendant at maging beauty queen.

Panoorin ang video na ito: