
"Hi Kate, are you ready? I'm gonna make you cry!"
'Yan ang pambungad ni Mikee Quintos nang mag-speech siya bilang isa sa mga 18 candles sa debut ni Kate Valdez.
Kinuwento ni Mikee kung papaano nabuo ang friendship nilang dalawa ni Kate simula noong magkatrabaho sila sa 2016 series na Encantadia.
Aniya, "Kate, alam mo noong una kitang nakatrabaho sa Encantadia, we weren't the best of friends, 'di tayo sobrang close noon, alam mo 'yon. But I'm so grateful na nag-open up ka sa'kin at 'di ko naman mapigilan din 'yung sarili kong mahulog na sa friendship natin. I never thought na 'yung friendship natin is something na would be so important to me. It's a friendship that we both didn't expect."
Hindi man daw sweet si Mikee kay Kate, masaya pa rin siya na naging close friend at cast mate ang debutante. "Alam mong hindi ako sobrang expressive, 'di ako sweet na tao. 'Pag nag-da-drama ka, ako 'yung unang [magsasabi ng] 'Tigilan mo ako, Kate, 'wag ka umiyak.' Pero wala akong gugustuhin na ka-'love team' kung hindi ikaw. Since Encantadia, ngayon sa Onanay, it's one of the biggest gifts that we both have and I'm lucky na ikaw 'yung katabi ko sa first lead show natin. And so far success naman 'di ba?"
Inamin din ng Onanay star sa kaniyang speech na palagi niyang susuportahan si Kate sa lahat ng gagawin niya.
"Kate, you know that I'm not that expressive pero I always have your back. Siguro 'di mo na-fi-feel, hindi ko naipapakita sa harap mo pero I always have your back. Poprotektahan kita, kahit ano'ng mangyari, kahit ano'ng struggle na maharap mo, ikaw 'yung magiging priority ko. Nahihiya akong sabihin pero isa ka sa mga hindi showbiz na kaibigan ko. I love you, I'll always be here for you. Kung dina-doubt mo 'yon minsan, 'wag mong i-doubt 'yung love ko sa'yo. Happy birthday," pagbati ni Mikee.
Kasalukuyang napapanood sina Mikee Quintos at Kate Valdez every weekday night sa Onanay.