
Isang baby na nakatawa ang recent Instagram post ng aktor na si Buboy Villar. Ito na kaya ang kanilang anak ng nobyang si Angillyn Gorens?
Caption ni Buboy, "Ang lakas ko. Merry Christmas!"
Maaalalang June this year lumabas ang balitang "expecting" sina Buboy at ang girlfriend nitong si Angillyn. September 1 naman ng mapabalita na nanganak na ito.
Ito ang unang beses na nag-post ng baby photo ang aktor simula nang i-announce ang pagbubuntis ng kanyang nobya.