
Magkahalong gulat at saya ang naging reaction ng mister ni Yasmien Kurdi na si Rey Soldevilla, Jr. nang makita ang regalo ng aktres para sa kanyang kaarawan na isang pulang kotse.
WATCH: Yasmien Kurdi gets a Valentine's Day surprise inside an airplane
Sa Instagram account ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka star, mapapanood kung paano niya sinorpresa si Rey kasama ang kanilang anak na si Ayesha sa loob ng garahe.
"I am so grateful I married a man as wonderful as you. Ang swerte ko kasi ang pogi mo, mabait, generous at super humble na tao. I hope you never change in life, because you are absolutely perfect the way you are. I Love You so much! Happy Birthday Pangga," saad ni Yasmien sa caption.