
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Pauleen Luna ang isang mahalagang milestone ni Baby Tali, ang matutunan ang konsepto ng pagmamano.
Ayon kay Pauleen, nais niyang lumaki ang kanyang anak na alam ang magagandang kaugalian ng mga Pinoy, tulad ng paggamit ng "po" at "opo" at siyempre pa, ang pagmamano.
"Proud mama moment. I would like Tali to grow up knowing how to “mano” and say “po and opo." And I am just so proud that she already knows how to “mano” at 9 months old. Love you my darling! (When we started to teach her, she would often put my hand straight to her mouth but now she gets it!)," kuwento ni Pauleen.
Marami namang natuwa sa video na ito ni Baby Tali, pati na rin ang dating Dabarkads at ngayon ay isa na ring mommy, si Isabelle Daza.
MUST-SEE: Isabelle Daza shares photo of son's face for the first time