
Nag-uumapaw sa cuteness ang pre-birthday photos ni Baby Nala, bunsong anak ng actress-host na si Camille Prats!
Ibinahagi ni Camille ang mga larawan ni Baby Nala isang linggo bago ang first birthday ng anak.
Marami ang natuwa sa concept na napili ni Camille - ang Princess Sarah. Sa isang version ay nakadamit prinsesa si Baby Nala samantalang sa pangalawa naman ay nakadamit ng pang-maid. Sinamahan pa ito ng nakakatawang caption ni Camille: "Pag nabalatan ko po ba lahat to makakain ko din po ang mga patatas?:
Samantala, masayang -masaya si Camille na mayroon na siyang sarili niyang munting prinsesa.
Aniya, "I have been secretly praying to have a little princess of my own. Almost a year ago today, God blessed us with the most amazing gift. My only heir to the throne, the new Princess Nala."