Celebrity Life

Marian Rivera, hands-on pa rin sa Christmas preparations kahit buntis

By Loretta Ramirez
Published November 19, 2018 11:59 AM PHT
Updated November 19, 2018 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kabila ng pagbubuntis, up and about pa rin ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Alamin ang mga pinagkakaabalahan ni Marian ngayon sa article na ito.

Sa isang cooking demo para sa Mega Prime Mom Club Workshop na ginanap nitong Sabado, Nobyembre 17, ikinuwento ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na malapit na nilang ipaalam ang gender ng kanyang ipinagbubuntis. Napagkasunduan daw nila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes na sabihin ito bago mag-birthday ang kanilang panganay na si Baby Zia.

READ: Ano ang wish ni Baby Zia sa kanyang 3rd birthday?

Bukod pa rito, nilinaw din niya na kahit buntis, siya pa rin ang punong-abala sa Christmas preparations nila sa bahay. Ibinida rin niya na napakag-decorate na sila at ready na ang kanilang Christmas tree.

"Pagkatapos ng November 1, November 4 meron na," pagmamalaki ni Marian.

Siya rin daw ang bahala sa handa nila sa Noche Buena.

"Lahat-lahat ako. Sabi ko nga nabuntis lang ako, lumaki lang ang tiyan ko, pero hindi ibig sabihin niyan 'yung mga ginagawa ko para sa pamilya ko ay hindi ko na gagawin."

Tiniyak rin niya na kahit na medyo malaki na ang kanyang ipinagbubuntis ay pareho pa rin ng dati ang kanilang gagawin ngayong Pasko.

"Sama-sama talaga 'yung pamilya sa bahay, kahit nasa Cavite sila o sa Quezon City, lahat kami sama-sama."