
Tila nire-ready na ni Drew Arellano ang kaniyang anak na si Primo Arellano sa pagpasok sa showbiz.
Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Drew ang mala-pang food commercial na look ni Primo. Aniya, "Absolutely no coaching required. This kid is a natural!"
Sa kaniyang hashtag ay nagbiro rin si Drew na mukhang maaga silang magre-retire ng asawa niyang si Iya Villania dahil sa kanilang cute na anak.
"#PapaandMamaWillRetireEarly #ProudStageParents #LetsMakeMoreBabies #EvilLaughBwahahahhahaha"
Bukod kay Primo, may isa pang baby boy sina Iya at Drew, ang equally cute na si Leon.