
Hindi nagpahuli sa pag-post ng nakakakilig at nakakatawang mensahe si Paolo Contis para sa pasko at kaarawan ni LJ Reyes.
Ani ni Paolo, "Merry Christmas and a Happy Happy Birthday Mahal..!! @lj_reyes "
Dagdag pa niya sa kanyang biro tungkol sa damit na kanyang nabili umano kay LJ.
"Pasensya na maliit yung damit na nabili ko for you ha! Bitin tuloy suot mo!! ingat baka kabagin ka! "
Muling itinuloy ni Paolo ang mensahe tungkol sa kanyang pagmamahal kay LJ. Aniya, "Seriously, i know you miss your mom, ate, and our simple celebration in NYC.. pero sana kahit papano napasaya kita today sa handa kong puro masarsa! next time i will do better! Puro naman dry! i love you mahal ko! I hope you know that lagi..!!"