Celebrity Life

WATCH: Drew Arellano at iba pang celebrity dads, priority ang paglalaan ng oras sa kani-kaniyang pamilya

Published June 11, 2019 11:40 AM PHT
Updated June 11, 2019 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod sa kanilang obligasyon sa pamilya, naipapadama din ng mga celebrity dads na ito ang kanilang pagmamahal sa kanilang asawa at mga anak. Silipin 'yan sa ulat ni Rhea Santos.

Haligi ng bawat tahanan ang mga ama.

Drew Arellano
Drew Arellano

Sila ang nagsisilbing provider ng kanilang pamilya at katuwang ng mga ina sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Bukod sa kanilang obligasyon sa pamilya, naniniwala ang mga celebrity modern dads na maipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang asawa at mga anak.

Isa na diyan si Kapuso host Drew Arellano na laging kating-kati umuwi sa kaniyang pamilya tuwing bumabiyahe para makapiling ang kaniyang mga anak na sina Primo at Leon.

Hooray for mababaw kids! - Corny Papa!

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on


Paliwanag ni Drew, lagi raw siyang naglalaan ng oras para sa kaniyang pamilya.

“A lot of people think I'm busy,” aniya.

“But I shoot for TV only for three days a week because it was planned that way.

“I do a couple of corporate events here and there but most of the time I'm really at home with my kids.”

Dahil dito, ang kulitan moments nila ay always captured by the camera lalo na ang candid moments bilang hands-on mom ng kaniyang asawa na si Iya Villania.

The boys missed their Mama 😍

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano) on


'Yan at iba pang celebrity dads sa ulat ni Rhea Santos:

EXCLUSIVE: Joey Marquez's life advice to Winwyn, “It's better to be smart than beautiful.”

READ: Michael V.'s touching Father's Day message on IG