Celebrity Life

WATCH: Dawn Zulueta, pinapagawa ng simpleng gawaing bahay ang mga anak

By Marah Ruiz
Published June 22, 2019 2:25 PM PHT
Updated June 22, 2019 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Ibinahagi rin ni Dawn Zulueta ang kanyang parenting style pagdating sa 'dating' o 'pakikipag-relasyon.'

Napapagsabay daw ng aktres na si Dawn Zulueta ang pagiging isang magulang at pag-aartista sa tulong ng maraming niyang katuwang sa buhay.

Dawn Zulueta
Dawn Zulueta


"I manage it with a lot of help. May PA ako, may secretary at may yaya," paliwanag ni Dawn.

"I have trusted people who help me. Malaki ang tulong nila. Hindi ko kaya 'yan on my own," dagdag pa niya.

Gayunpaman, nais pa rin daw niyang turuan ang mga anak na matutong kumilos para sa kanilang mga sarili. Magandang simula dito ang mga simpleng chores o gawaing bahay.

"Lately, we've been teaching them already how to make their own beds and how to clean up. Dapat nagliligpit sila ng mga damit nila. We also teach them na rin how to be responsible about cleanliness in their room. Maski doon lang muna," kuwento niya.

Hindi rin daw siya strikto sa larangan ng dating o pakikipag-relasyon.

"Mahirap ipagbawal kasi 'pag lalo mo atang ipagbawal, gagawin naman nila nang patago. I would much rather na open na lang sila sa amin tapos iga-guide naman namin sila," aniya.

Alamin pa ang parenting style ni Dawn sa feature na ito ng Tonight With Arnold Clavio: