Samahan ninyo ang Kapuso stars na sina Ivan Dorschner at Addy Raj ng Meant To Be at baka gahanan kayong mag-workout.
LOOK: GMA Artist Center welcomes Ivan Dorschner and Addy Raj
Parehong active ang background ng dalawa pagdating sa fitness. Kung si Ivan ay dating nakakapag-workout kasama ang retired American professional basketball player na si Shaquille O’Neal sa Estados Unidos, si Addy naman ay dating professional track and field player.
Ano kaya ang kanilang workout routine? Bahagi ng Fil-Am actor, “[Mahilig akong] mag-start sa core because it makes me mas aware sa nagiging activation ko sa lahat kong gagawin movements, workouts and everything.”
Mahilig naman sa weights ang pure Indian model-turned-actor. Ang Bench press daw ay “para sa chest” at itinuturing niya itong “one of the best workouts.”
Ang pagbubuhat din ay “another way to achieve core strength and at the same time get abs.”
Masaya ang Kapuso hunks sa top-rating Primetime series nila na Meant To Be kaya nagpasalamat sila sa mga manonood at taga-suporta ng kanilang show.
“Thank you sa lahat ng tweets ninyo [at] lahat ng mga messages,” saad ng tisoy na aktor na gumaganap bilang half-Filipino, half-British chef na si Ethan Spencer-Hughes na siyang napupusuan ni Billie Bendiola sa katauhan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Dagdag din ni Addy, “Once again, thank you so much for supporting us and keep watching Meant To Be."
MORE ON 'MEANT TO BE':
READ: bakit sinasabing mahaba ang buhok ni Barbie Forteza?
WATCH: Sino kina Jak Roberto, Ivan Dorschner, Ken Chan at Addy Raj ang inyong ka-‘Meant To Be?’
READ: Ano ang dahilan ng paglipat ni Mika dela Cruz sa GMA?