
Confident ang Tsuperhero star na si Bea Binene nang mag-post ito ng ilang sexy photos nang magbakasyon ito sa Anvaya Cove Beach and Nature Club sa Bataan.
TsuperBattle: Bea Binene and Analyn Barro's bikini showdown!
Sa panayam ng aktres kay Lhar Santiago sa Chika Minute, sinabi ng magandang dalaga na bunga ng diet at exercise ang slender figure niya.
Aniya, “Dati nagpo-post ako sa Palawan and stuff. Laging nakatalikod, so eto first time na nakaharap ako and marami namang natuwa, maraming natuwa dahil nag-lose na ako ng weight.”
Ito rin daw ang sagot ng Kapuso teen star sa mga bashers na nagsasabi dati na mataba siya.
“Daming nagsasabi na ang taba-taba ko, ang taba ko sa TV. Ang laki-laki ko sa TV. So parang ‘yun, pumayat na ako ng kahit papaano [laughs].”
Ni-reveal din ni Bea na malapit na ang pagtatapos ng superhero serye na Tsuperhero na kinabibilangan nila ni Derrick Monasterio.
Ano naman kaya ang nararamdaman niya sa nalalapit na pagwawakas ng patok nilang Sunday night show?
Tugon niya, “...Masaya rin po kasi tumagal kami ng six months, 'di ba nakadalawang seasons kami and hopefully tumuloy uli.”
Excited din si Bea na kapalit ng Tsuperhero ay malapit na ang pinakaaabangan na Kapuso telefantasya series na Mulawin VS Ravena.
“Were looking forward, sobrang excited kasi naging close na rin kami nila Bianca [Umali] nila Miguel [Tanfelix], nila Kiko [Estrada].”
MORE ON 'TSUPERHERO':
WATCH: What you've missed from 'Tsuperhero' on April 16
Derrick Monasterio reacts to his viral kissing scene in 'Tsuperhero'
Photos by: @beabinene(IG)