
Priority pa rin ni Aubrey Miles ang kanyang fitness kahit siya ay nagdadalang-tao.
Aubrey Miles is pregnant with third child
Nasa second trimester na ng pagbubuntis ang 40-year-old actress at aniya, ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-woworkout kahit na nakakaramdam siya ng morning sickness at mood swings.
"Good Morning. I’ve been waiting to test myself how i’ll be able to workout while pregnant. It’s gonna be a wild ride especially with morning sickness and mood swings #amilesphatpregnant #2ndtrimester," sulat niya sa Instagram.
Ayon sa AmericanPregnancy.org, safe ang pag-e-ehersisyo para sa mga buntis. Marami itong health benefits tulad ng pagbawas ng pananakit ng likod, constipation, bloating at swelling. Nakakatulong din ito para mas mapadali ang pagle-labor.
Noong Sabado, June 30, inanunsyo ni Aubrey ang kanyang pagbubuntis via Instagram.