
Isa si Carmina Villarroel sa mga celebrities na hinahangaan ng marami hindi lang dahil sa talento nito sa pag-arte at pagho-host kundi dahil na rin sa pagpapanatili nito ng kanyang slim and sexy na pangangatawan.
Habang nasa enhanced community quarantine, game na game na ipinakita ng Sarap, 'Di Ba? host sa kanyang exercise routine.
Sa Instagram post ni Carmina, ipinasilip nito ang kanyang home workout kung saan sinundan niya ang ang isang exercise video. Kalakip ng post ang mensaheng: "Done working out. Stay safe and healthy guys."
May mga netizen din na nagpadala ng kanilang mga katanungan at game na sinagot ito ni Carmina.