Celebrity Life

EXCLUSIVE: Julie Anne San Jose, nakaka-relate raw sa kanyang karakter sa 'Pinulot Ka Lang sa Lupa?'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 7, 2020 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Unang lead role raw ito ng Kapuso star kaya nakakaramdam siya ng kaba at saya.


Nakita ni Kapuso star Julie Anne San Jose ang kanyang sarili sa karakter nito na si Santina Marquez sa remake ng upcoming GMA Afternoon Prime soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa.

Kuwento ng actress-singer sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com sa set, “Si Santina [is] like a rose, sobrang fragile niya at the same time, maprinsipyo siyang tao tapos palaban siya. Kapag natatapakan ang mga mahal niya sa buhay, talagang ipaglalaban niya. Palagi [rin] siyang masayahin [at] sobrang positive ng aura niya.”

Ang mga katangian na ito ay ang pagkakatulad raw nila ni Santina, kabilang na ang pagiging simple, ambisyosa at ang gusto na maabot ang kanyang mga pangarap.

Ang pagkakaiba raw nila ay ang pagiging “demure” ng kanyang karakter habang siya ay “medyo boyish sa totoong buhay” at ang mga karanasan sa buhay.

Malubha ang mga pagdadaanan ni Santina sa buhay, lalong-lalo na't isa siyang ulila mula pagkabata. Makakakasagupa niya pa ang malditang si Angeli Martinez sa katauhan ni award-winning actress na si LJ Reyes na siyang mang-aapi sa dalaga nang dahil sa pag-ibig.

“Wala naman akong experience na [naging] ulila kasi meron naman akong mga magulang, they’re alive [at] hindi naman ako naapi,” saad ng aktres.

Unang lead role raw ito ng Kapuso star kaya nakakaramdam siya ng kaba at saya. Bukod rito, excited siyang makasama ang “bagong production, bagong staff at bagong cast” ng programa.

“I’m happy, and I’m thankful din sa GMA Network na nagkaron ulit ako ng opportunity na magkaroon ng acting project kasi it’s been a while since the last time I had a soap like ‘yung Buena [Familia].”

MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:

Julie Anne San Jose, LJ Reyes at Benjamin Alves, hindi pressured sa remake ng 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' 

Julie Anne San Jose renews contract with GMA, dubbed as among the network's key talents