Mga celebrities na ninakawan

Hindi biro ang manakawan ng gamit, lalo na kung ang perang ginamit mo pambili ay galing sa pinagpaguran mo.
Ganito rin ang sentimyento ng ilang celebrities na nakaranas din pagnakawan sa kanila mismong tahanan o ang ilan, sa kanilang kotse.
Ang Kapuso primetime star na si Barbie Forteza nilimas ng mga magnanakaw ang mga gamit sa loob ng kanyang sasakyan, matapos basagin ang bintana nito.
Ito rin ang nangyari sa sasakyan ng OPM singer na si Dingdong Avanzado na gamit niya noon sa California, taong 2018. Kinuha rin ng mga masasamang loob ang mahahalagang bagay tulad ng wallet at ilang credit cards.
Noong Oktubre 2020 naman ay nabiktima ng cellphone snatching habang sakay ng kotse ang actress-singer na si Vina Morales habang nasa EDSA.
At ngayong 2024 naman, maraming fans at malapit na kaibigan ang nabahala nang ikuwento ng Miss Universe 2018 winner na si Catriona Gray na ninakaw sa loob ng kanilang sasakyan ang ilanng mga importanteng gamit tulad ng passport.
Isinilarawan ng Pinay beauty queen sa Instagram Story na “traumatizing” ang naturang insidente na nangyari habang nasa London sila ng kaniyang pamilya.
Alamin kung ano ang nangyari sa kanila para malaman kung papaano maiiwasan na mabiktima ng mga ganitong insidente.





























































