“I surrender!”
Ito ang dalawang salitang naging sagot ni Joey de Leon nang ipalarawan sa kanya ang love story nila ng kanyang misis na si Eileen Macapagal para sa Eat Bulaga na ‘Dabarkads’ Amazing True Love Stories.'
“I surrender kasi isinuko ko na lahat dahil nasa kanya na lahat eh. Na kay Eileen na lahat ng hinahanap ko sa mahal sa buhay so sinurrender ko na. I surrender,” paliwanag ng Henyo Master.
Ani Joey, marami raw siyang nagustuhan kay Eileen ngunit may isang pagkakataon daw na nalaman niyang sila talaga para sa isa’t isa.
Kuwento niya, “Walang salita ito. Natutulog kami tapos sa kalagitnaan ng gabi nag-ring ‘yung cellphone. Kinapakapa ko. Syempre tulog ka na eh. Nakita ko ngayon sa ilalim ng unan namin, ‘yung dalawang cellphone namin magkapatong din. Kahit sa cellphone, kahit sa pagtulog, magkatabi kami.”
Memorable para sa kanya ang lahat ng mga panahong bumabyahe sila. Hindi rin daw kumpleto ang kanilang trip kung hindi kasama si Eileen.
Sambit ni Joey bilang mensahe sa kanyang asawa, “Let’s go! Para byahe ng byahe. Let’s go, bebe! Love you!”
MORE ON JOEY DE LEON:
LOOK: Joey de Leon, the original King of Makeup Transformation?