Sa katatapos lamang na special screening ng Hollywood film na Beauty and the Beast, isa si Encantadia star Glaiza de Castro sa mga naimbita na manood nito. Pero muntik nang hindi makarating ang aktres.
Kuwento ng dalaga, alas kuwatro pa lang ng hapon ay nasa Mall of Asia na siya para sa nasabing event. Nang magkikita na sila ng executive producer ng Encantadia na si Winnie Reyes ay duon lamang niya napagtanto na nasa maling mall pala siya.
Dali-daling umalis papunta ng Megamall ang dalaga para sa 8:00 p.m. screening time. Na-traffic, nagkamali ng daan, pero umabot naman si Glaiza.
Nagpasalamat din si Glaiza sa Encantadia director na si Direk Mark Reyes sa pag-imbita nito sa kanya.
Kasama ding nanood ni Glaiza ang iba pang ka-trabaho sa show na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Ruru Madrid, Mikee Quintos, Kate Valdez, at Kylie Padilla.
Photo credits: @direkmark IG
MORE ON GLAIZA DE CASTRO:
Glaiza de Castro marks over 10 years in GMA Network with contract renewal
WATCH: Glaiza de Castro, nakikita ang sarili kay Kate Valdez