Ilang kembot na lang at summer na. Handa na ba ang beach-body ninyo, mga Kapuso?
Huwag mag-alala dahil may simpleng tips si King of Catwalk Sinon Loresca para ma-achieve ‘yan sa loob lamang daw ng isang buwan.
Unang advice ni Sinon ay huwag tamarin mag-exercise.
Aniya, “Nagkakasakit ako. Totoo, nagkakasakit ako. Feeling ko lalagnatin ako pag di ako nag-workout. Ang workout naman hindi naman talaga sa pagpapa-sexy ng katawan. Ang iba, you need to workout to become healthy.”
Ikalawa naman daw ay ang wastong pagkain ng prutas at gulay. Ayon sa ulat ng 24 Oras, iniiwasan ng Impostora star ang pagkain ng baboy, at strictly chicken at fish ang kanyang diet.
Dagdag pa niya, “Calamansi o lemonade. Araw-araw po ‘yan every morning. Tapos, diet lang po tayo. Fish sa gabi. Bigyan niyo po ako ng isang buwan, sure ako ang swimsuit, ganito, pak. Ganun kaganda!”
Tungkol naman sa summer swimwear fashion, mungkahi ni Sinon na hindi kailangang laging sumunod sa uso. Ang importante ay masaya ka at kaya mong dalhin ang iyong susuotin.
Hirit niya tungkol sa kanyang trademark na suot, “Trunks lang, ‘yun talaga. Kaya mga Kapuso, ‘yun po ang aabangan niyo sa mga pictures ko soon, kasi magpapa-sexy ako this summer.”
Video from GMA News
MORE ON SINON LORESCA:
READ: Ano ang sikreto ni Sinon Loresca para ma-achieve ang kanyang 'killer body?'
LOOK:Impostora star Sinon Loresca, walang arteng sumakay sa MRT para umiwas sa traffic
LOOK: Meet the King of Catwalk, Sinon 'Rogelia' Loresca
Photos by: @sinonloresca(IG)