Celebrity Life

EXCLUSIVE: Ano ang masasabi ni Jak Roberto sa mga netizens na nagsasabing kamukha niya ang Korean actor na si Ji Chang-wook?

By GIA ALLANA SORIANO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 13, 2017 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Maraming netizens ang nakapansin ng pagkakahawig ng Kapuso actor na si Jak Roberto at ang Korean actor na si Ji Chang-wook

 

 

Maraming netizens ang nakapansin ng pagkakahawig ng Kapuso actor na si Jak Roberto at ang Korean actor na si Ji Chang-wook. Sa isang exclusive interview with GMAnetwork.com, naikuwento ni Jak na masaya naman siya at may netizens na nagsasabing kamukha niya ang aktor sa The Healer at Empress Ki.

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

 

A post shared by ??? (@jichangwook) on

 

Aniya, "Tini-tweet sa akin ‘yun before, kamukha mo si Ji Chang-wook. Napanood ko siya sa Empress Ki. Nung umeere sa GMA. May mga nagsasabi, ‘kamukha mo si Ji Chang Wook.’ Tapos may mga nagta-tag sa akin ng photo, tapos meron din ‘yung comparison sa aming dalawa, so nagulat ako, sabi ko, ‘oo nga no.’ Hanggang sa ang dami na." 

Ano naman ang naging reaksyon niya dito?

"Okay naman, syempre masaya na meron akong kahawig na Korean star. Na alam naman natin na maraming fans ng K-drama. Kung maraming fans ng K-drama, benta ‘yung mukha ko sa mga fans ng K-drama, right? So, okay naman. Masaya.”

LOOK: Filipino male celebs na look-alikes ng Korean stars

More on Meant To Be:

Ken Chan, ano'ng masasabi sa ugali ng kanyang co-actors sa 'Meant To Be?'

Jak Roberto, may aaminin bilang si Andoy Dela Cruz sa 'Meant To Be'

Ano ang advice ni Jak Roberto sa torpeng character niya na si Andoy sa 'Meant To Be'?