Celebrity Life

Mike Tan on marrying his non-showbiz girlfriend: "Eight years ago pa, napag-uusapan na"

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 5, 2017 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



"...Kapag seryoso naman kayo sa relasyon, dadating din kayo doon at pag-uusapan n'yo talaga 'yun..." - Mike Tan

 

Photo by: @miketan (IG)

Mahigit 10 years na ang relationship ni Mike Tan at ng kanyang non-showbiz girlfriend, pero wala pa daw silang planong magpakasal ngayon.

"Matanda na ako, oo, pero hindi pa sa ngayon (laughs). 'Yun lang ang masasabi ko. Mga three to four years pa," pagbabahagi niya.

READ: BF ni Ryza Cenon at GF ni Mike Tan, suportado ang kanilang roles sa 'Ika-6 Na Utos' 

Pero hindi daw ibig sabihin nito na hindi nila ito napag-uusapan. "Probably eight years ago pa, napag-uusapan na. Kapag seryoso naman kayo sa relasyon, dadating din kayo doon at pag-uusapan n'yo talaga 'yun. 'Yun 'yung kinakatakot namin eh, 'yung hindi n'yo pag-uusapan ang kasal."

Dagdag pa niya, "Saan kayo papunta? Ano 'yung next step? Especially sa mga babae, lagi naman 'yang serious relationship ang hanap. Ayaw nila siyempre 'yung patalon-talon pa or naghahanap pa ng ibang lalaki. Kailangan mong i-guarantee sa kanila or bigyan sila ng security na sila 'yung babaeng para sa 'yo, sila ang gusto mong pakasalan."

Ikinuwento din ng Ika-6 Na Utos star na desisyon nilang dalawa na gawing pribado ang kanilang relasyon.

"It's a choice. Kailangan mo lang din talagang panindigan 'yung choice na 'yun. Sakto lang din na 'yung girlfriend ko, private lang din. Ayaw din niya na nakikita siya ng media, napapansin siya ng tao, ayaw niya 'yun. Ako rin naman, ayoko kasi private life niya 'yun eh. Hindi naman niya 'to trabaho, bakit kailangan din siyang usisain ng iba?"

Nitong April 27 ay na-engage ang Ika-6 Na Utos co-star ni Mike na si Rich Asuncion sa boyfriend nitong si Benjamin Mudie.

MORE ON MIKE TAN:

Mike Tan admits to almost quitting showbiz

Mike Tan on his loyalty to GMA Network: "Never nila ako pinabayaan"