
Hindi lahat ay may alam na may butterfly tattoo si Marian Rivera sa kanyang likod. Nag-propose ang kanyang asawang si Dingdong Dantes noong August 2012 sa Butterfly Pavilion, Macau, at malapit dito ang meaning ng tattoo ng aktres.
Aniya, ito raw ay sumisimbulo ng pagmamahal sa kanya ni Dong. Paliwanag niya, "Bukod sa naalala niya na mahilig ako sa butterfly, ito 'yung symbolo kung gaano niya ako kamahal."
May tattoo rin ang Super Ma'am co-star ni Yan na si Kim Domingo. Ang salitang "loyalty" sa taas ng kanang sakong niya, at ang katagang "strength" sa kanyang kaliwang pulso.
Kuwento ni Kim, "Sumisimbolo siya sa akin dahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay before. So, kapag, alam mo 'yun, kapag pinanghihinaan ako ng loob, ito 'yung paalala sa akin na dapat maging matatag ako."
Panoorin ang full report ni Cata Tibayan dito:
Video from GMA News