
Pasok si Kapuso actress at The One That Got Away star Rhian Ramos sa tinaguriang "body issue" ng isang sikat na magazine.
Isa si Rhian sa mga napili para sa digital cover ng April 2018 issue ng Metro Magazine.
Dito, ibinahagi niya ang pagbabalanse niya sa page-ehersiyo at pagkain ng tama para mapanatiling fit ang kanyang katawan.
Bukod kay Rhian, nasa ibang version din ng digital covers ng magazine sina Nico Bolzico, Aly Borromeo, Rachel Peters at marami pang iba.