
Mainit pa rin ang usapin sa gulong nangyari sa pagitan ng Philippine National Team Gilas Pilipinas at ng Australian Boomers noong July 2 sa Philippine Arena.
READ: PBA stars react to epic fist fight between Gilas & Australia during World Cup match-up
Sari-saring mga reaksyon ang naglabasan matapos ang pangyayari at nagsalita na rin ang ilan sa mga sangkot.
Isa sa mga nagpahayag ng suporta para sa kuponan ng Gilas Pilipinas ay ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
"I read some of the critical comments, and I felt compelled to make a stand... I don’t claim to be close to them, but @coachothas been kind to me, I’ve seen Coach Jong at the Meralco Chapel, but I’ve never met @tbvrome07... But we did watch what transpired over & over again, even in slow-mo... The team is suffering enough, and they have given so much effort for our country."
Pakiusap pa niya, "Hindi ba natin sila pwedeng damayan at suportahan ngayon na kailangan nilang maramdaman na ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy? 'Wag naman sanang mabura ng ilang minuto sa isang gabi ang lahat ng magagandang alaala nung mga panahon na dahil sa #GILAS naging taas noo tayo."
Sa huli, sinabi ni Kris na naniniwala pa rin siya sa kakayanan ng Gilas at mananatiling taga-suporta ng kuponan.
"P.S. kung pipili lang ako ng coach & teammates sa kahit na anong mabigat na trabaho, sa nakita kong #unity & #bayanihan nila- sila ang pagdarasal kong maging kakampi.”