
Ngayong araw, July 10, ang ika-anim na death anniversary ni King of Comedy Dolphy o Rodolfo Vera Quizon Sr. sa tunay na buhay.
Kaya naman bumisita ang isa sa kanyang mga anak na si Eric Quizon sa kanyang puntod para magbigay-pugay.
"My Dad’s new home. It has been 6 years since he passed and all i have are beautiful memories of how wonderful a man he was. Thank you @zsazsapadilla @cocoquizon and @ziaquizon," sulat niya sa kanyang Instagram account.
July 10, 2012 nang pumanaw si Dolphy dahil sa multiple organ failure. Sa Heritage Memorial Park sa Taguig nakahimlay ang beteranong komedyante.