
Hindi nagtapos sa simpleng pagbisita kay Josh Aquino si Willie Revillame. Isinakay rin kasi ng Wowowin host sa kanyang magarang Ferrari ang panganay ni Kris Aquino.
Nadokumento ni Kris ang masayang bonding ng kanyang anak at dating katrabaho. Suwerte raw ang kanyang panganay dahil si Willie mismo ang nagmananeho habang nakasakay naman sa luxury car nito si Josh.
Ani Kris, “Binigyan ni Tito Willie si kuya Josh ng oras at importansya. In my book - Willie Revillame is a man worthy of my true gratitude & respect.”
Tumagal daw ng limang oras ang bisita ni Willie sa kanilang bahay.