
"Para akong nananag-inip, para akong princess," 'yan ang sambit ng young Kapuso actress na si Kate Valdez habang naghahanda para sa kaniyang papalapit na debut.
Ayon kay Kate, mixed emotions ang kaniyang narararamdaman para sa kanyang debut.
Aniya, "Actually may halong kaba at excitement, first kinakabahan ako kasi first time kong mag-celebrate ng malaking ganito for my birthday and excited ako kasi minsan lang 'to mangyari sa buhay ko and excited ako sa pupuntang guests."
Dagdag pa niya na noong bata pa lang siya ay pinag-iisipan at pinagpaplanuhan na niya ang selebrasyong ito. "When I was 10 or 12, kine-kwentuhan ako ng mom ko, 'Alam mo ba anak, 'noong debut ko, ang saya-saya ko, ganito 'yung experience ko, ito 'yung gown ko.' Ako naman, 'Paano kaya 'pag nag-18 na ako in the future? Ano kayang celebration ang gagawin?' Ngayong ako na, iba 'yung feeling talaga, may pressure."
Sa darating na August 21 gaganapin ang 18th birthday celebration ni Kate Valdez.