
May hatid na kilig sa mga netizens ang sweet dance video ng rumored couple na sina Kiko Estrada at Devon Seron. Kuha ang nasabing video sa grand 80th birthday party ng Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde na ginanap sa Crown Plaza Galleria.
WATCH: Mother Lily Monteverde's 'Mama Mia' birthday performance
Makikita ang naturang video ng #DevKi sa Instagram account mismo ni Kiko na kinunan ng Kapamilya actress Kisses Delavin.
Marami namang netizens ang nag-comment at sinabing bagay na bagay sina Devon at Kiko para sa isa't-isa.