
Confidently beautiful si Valeen Montenegro kahit may isang netizen na tila may pinuna sa kaniyang katawan.
IN PHOTOS: Summer in December ladies
Makikita kasi sa comment section ng Instagram page ng Bubble Gang babe ang naging palitan niya ng mensahe sa isang netizen na may post patungkol sa kaniyang hinaharap.
Saad ni @linoteresita, “Bakit pati boobs nawalan ng fats, sorry for my comment.”
Agad na tumugon si Valeen sa post, sinabi niya na wala siyang nakikitang problema at kuntento sa kaniyang katawan.
Paliwanag ng Kapuso comedienne, “Kahit kelan naman po hindi ako nagkaroon ng fats diyan.”
“Wag ka po mag-sorry. And I love the way they are, I think they are perfect.”