
Walang exempted sa matinding traffic sa Metro Manila--kahit ang newly-crowned Miss Universe 2018 na si Catriona Gray at ang Victoria's Secret model na si Kelsey Merritt.
Magkasunod na umuwi ng Pilipinas sina Catriona at Kelsey, na parehong nagbigay ng dangal sa Pilipinas dahil sa kanilang tagumpay sa international scene.
Sa Twitter post ng 22-year-old model na si Kelsey, ibinahagi niya ang matinding traffic na kaniyang naranasan pagdating sa Pilipinas.
Aniya, “Sumakit ulo ko sa traffic sa Manila.”
Sumakit ulo ko sa traffic sa Manila 😵
-- Kelsey Merritt (@kelsmerritt) Disyembre 18, 2018
Halos ganito rin ang naranasan ng grupo ni Catriona pagdating nila sa Pilipinas kaninang hapon, December 19.
Ayon sa ulat ni Sam Nielsen, “Naipit [ang convoy ni Catriona Gray] sa matinding trapik ng rush hour sa kahabaan ng Andrews Ave., Villamor, Pasay.”
TINGNAN:
-- samnielsen (@dzbbsamnielsen) Disyembre 19, 2018
Convoy ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, naipit na sa matinding trapik ng rush hour sa kahabaan ng Andrews Ave., Villamor, Pasay City.@dzbb pic.twitter.com/zCqPol5GUQ
Si Kelsey ang kauna-unang Pinay na rumampa sa prestihiyosong Victoria's Secret Fashion Show, na ginanap noong nakaraang November.
Kelsey Merritt on her VSFS stint: "So much more than I have ever imagined!"
Samantala, si Catriona naman ang ika-apat na Pinay beauty queen na nag-uwi ng Miss Universe crown sa Pilipinas. Sinundan niya sina Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973) at Gloria Diaz (1969).
WATCH: Catriona Gray's winning moment in the 2018 Miss Universe