Celebrity Life

WATCH: David Licauco reveals his greatest insecurity

By Marah Ruiz
Published March 18, 2019 11:58 AM PHT
Updated March 18, 2019 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rains to prevail on Christmas Day
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang greatest insecurity ni David Licauco? Alamin.

Binalikan ni Kapuso actor David Licauco ang kanyang dating paaralan para sa isang feature ng programang Tunay Na Buhay.

David Licauco
David Licauco

Kasama ang host nitong si Rhea Santos, binisita niya ang Grace Christian College kung saan siya nagtapos ng high school.

"Super religious kasi ng school namin. When I'm here parang feel ko na mas nagiging close ako kay God," ani David.

Bahagi ng school basketball team si David at talagang nagbababad daw siya sa court.

"Feel ko kasi super lapit sa bahay nitong court. Feeling ko 'yun talaga 'yung main reason kung bakit sobrang love ko 'yung basketball. Actually dati, buong araw akong nandito," paliwanag niya.

Habang nagshu-shoot ng ilang hoops, ibinahagi ni David ang kanyang greatest insecurity.

"Medyo may pagka-introvert kasi ako so parang hindi ko alam minsan kung paano mag-butt in. Kunwari may talk show, minsan I tend to be quiet kasi parang ayoko magmukhang agaw-atensiyon or mga ganun. Siguro 'yun 'yung insecurity ko, pero okay naman ako kausap," kuwento niya.

Panoorin ang pagbisita ni David sa kanyang alma mater sa feature na ito ng Tunay Na Buhay: