Celebrity Life

Edgar Allan Guzman on Shaira Diaz: "Gusto ko siya"

By Bianca Geli
Published April 30, 2019 12:49 PM PHT
Updated April 30, 2019 2:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



"Ayoko na itago 'yung feelings for her. Gusto ko siya. Bakit ko pa itatago?”

Mas vocal na raw ngayon si Edgar Allan Guzman pag dating sa kanyang nararamdaman para sa ex-girlfriend niyang si Shaira Diaz.

Edgar Allan Guzman and Shaira Diaz
Edgar Allan Guzman and Shaira Diaz

Sa isang exclusive chat kasama si Edgar Allan, inamin niyang gusto pa rin niya si Shaira, at mas expressive na siya ngayon. “Okey naman [kami], naguusap kami…steady lang naman. Mas vocal lang ako ngayon compared before. Kasi para sa 'kin ayoko na itago 'yung feelings for her. Gusto ko siya. Bakit ko pa itatago?”

Maliban dito, open din daw siya na makatrabaho onscreen si Shaira at nais niyang tulungan din ang aktres na mahasa ang potential nito sa acting. “Gusto ko siya makatrabaho at bilang mas matagal na dito sa industriya, gusto ko rin siya ma-guide kasi may nakikita ako sa kaniyang potential.”

Sa katunayan, pangarap ng award-winning Kapuso actor na makita ring makakuha ng parangal sa acting si Shaira. “Gusto ko siya maging Best Actress, kasi before 'yun naman 'yung nashi-share niya na gusto niya, 'yung magexcel sa acting projects.”

Tingin ba niya, may pagtingin pa rin si Shaira sa kaniya?

Positive naman ang sagot ni Edgar Allan, “May nabasa naman akong article na crush pa rin niya ako. Tapos napanood ko siya sa The Boobay and Tekla Show, tinanong siya nila Boobay kung sino celebrity crush niya, kinilig ako na sinabi niya ako,” kuwento niya.

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman to play the role of mining expert in upcoming movie

WATCH: Edgar Allan Guzman, Tom Rodriguez, and DJ Durano's "Dalagang Pilipina" challenge