Celebrity Life

#ThrowbackThursday: Paano niligawan ni Mark Zambrano si Aicelle Santos?

By Aedrianne Acar
Published May 2, 2019 11:53 AM PHT
Updated May 2, 2019 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News



Inalala ni Mark Zambrano ang panahong nanliligaw pa lamang siya kay Aicelle Santos sa isang Instagram post.

May hatid na kilig ang throwback photo ng news reporter Mark Zambrano noong nanliligaw pa lang siya sa tinaguriang Traffic Diva ng Eat Bulaga na si Aicelle Santos.

Aicelle Santos & Mark Zambrano
Aicelle Santos & Mark Zambrano

Sa post ni Mark sa Instagram, hindi raw niya alintana ang init ng araw at traffic makuha lamang ang matamis na 'oo' ni Aicelle.

“3 years ago nanliligaw at nanunuyo lang ako sa gitna ng traffic. And soon you will be Mrs. Zambrano! Time flies when God is in the driver's seat. Mahal na mahal kita @aicellesantos”

3 years ago nanliligaw at nanunuyo lang ako sa gitna ng traffic. And soon you will be Mrs. Zambrano! Time flies when God is in the driver's seat. Mahal na mahal kita @aicellesantos

A post shared by Mark Zambrano (@markzambrano) on

Nakatakdang ikasal si Aicelle kay Mark ngayong taon.

Sa nakaraang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ng Kapuso singer ang ilang detalye ng kaniyang 'simple' wedding.

Aniya, “Actually the whole wedding is simple… Mark and I, kilala mo naman kami, napakasimple naming tao. We want to make sure the food is good kasi mahilig kaming kumain. Gusto ko lang mag-enjoy lahat ng pamilya at kaibigan namin.”

Aicelle Santos bares her wedding plans with Mark Zambrano