
On a wedding high pa rin si Mikael Daez kahit ilang isang linggo na ang nakakalipas matapos silang ikasal ni Megan Young.
IN PHOTOS: Snaps during the wedding of Mikael Daez and Megan Young
Sa Instagram, ibinahagi ng Love of My Life actor ang isang nakakatawang video kung saan makikitang nakakain ng flower petal ang kanyang ngayo'y asawa habang sinasabuyan sila ng bulaklak ng kanilang guests.
Sulat ni Mikael, "I would like to think that I shower Boneezy with as much love as I can. So much love that I can say busog na siya sa pagmamahal ko."
Biro pa niya, "However, I think she took it a bit too literally during our wedding day. #MahalPoAngFlowerDecorNatin #MasarapNamanYungCateringAh #MahalKoPrinSiyaKahitKumakainSiyaNgDecor."
Ikinasal sina Megan at Mikael noong January 25 sa Subic.
Bago ang kanilang grand wedding, nagkaroon muna sila ng intimate wedding sa Caleruega Church sa Nasugbu, Batangas noong January 10 na dinaluhan ng sampung malalapit nilang kaibigan at pamilya.
READ: Megan Young and Mikael Daez reveal details about their intimate weddings