Celebrity Life

WATCH: Glaiza de Castro gives a quick tour inside Casa Galura

By Marah Ruiz
Published December 26, 2018 4:34 PM PHT
Updated December 26, 2018 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Regional TV News (December 18, 2025)
Got complaints vs. gov't employees? AI bot Tala is here to help
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Tampok ang mga nakaraang proyekto ni Glaiza de Castro sa bago niyang business, ang Casa Galura, sa Baler, Aurora.

Marami pa raw plano si Kapuso actress Glaiza de Castro para sa Casa Galura.

Glaiza de Castro
Glaiza de Castro

Ito ang kanyang bagong resthouse sa Baler, Aurora, na tumatayo din bilang isang bed and breakfast para sa mga turista.

Noong una, bakasyunan lang daw talaga para sa kaniyang pamilya ang plano niya para sa bahay.

Pero na-inspire daw siya sa kaniyang mga kaibigan at sa sariling pagta-travel kaya naisipan niyang buksan ito para sa mga turista.

"May room ako sa taas pero pagka may mga friends ako na ini-invite, meron kaming mga bunkbeds doon sa dulo. Wala siya dati. Garage siya dati.

“'Tapos naisip ko nga na since nagta-travel ako, sabi ko, ano kaya kung gawin natin siyang bed and breakfast. 'Yung experience ng pagre-relax, pagre-rest, gusto kong i-share din sa iba," kuwento niya.

WATCH: Bagong bahay ni Glaiza de Castro sa Baler, silipin!

Sa kasalukuyan, may tatlong kuwarto na maaring rentahan sa Casa Galura.

Nakapangalan ang mga ito sa mga nakaraang proyekto ni Glaiza tulad ng Contessa, Grazilda at single niyang "Sinta."

Nagsisimula na rin siya sa pagpapagawa ng mga karagdagan pang facilities para rito.

"By summer next year, gusto sana namin siyang patayuan ng swimming pool so may mga nag-aasikaso noon," ani Glaiza

"'Yung mga nandoon sa dulo, gusto ko siyang gawan ng cafe. May mga gym equipment dito kasi, doon sa second floor ng cafeteria, plano ko sanang maglagay ng gym.

“And on the third floor, parang may rooftop siya so gusto nilang mag chill," dagdag pa niya.

Panoorin ang buong tour at interview kay Glaiza sa Casa Galura sa video na ito mula sa writer na si Denise Mallabo.