
Summer is definitely not yet over!
Kaya kung travel lang ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang ilan sa mga paborito mong Kapuso celebs na ibahagi ang ilan sa kani-kanilang travel must-haves.
Para lalong ma-enjoy at maging Instagram worthy ang iyong trip, tip ni Kapuso actress Bea Binene na laging magdala ng camera.
“I always have a camera, my phone, and siguro Wi-Fi.
“'Di lang siya pang-post e. 'Yung internet na nakukuha mo para pang navigation din.”
Para naman kina Bubble Gang stars Betong Sumaya at Lovely Abella, importante na laging magdala ng sunblock.
Bahagi ni Betong, “Power bank, cellphone at sunblock kasi laging mukhang artista pa rin 'yung kutis.”
“Sunblock kasi kung walang sunblock babalik ang dati kong kulay,” dagdag naman ni Lovely.
Pero ang pinakaimportante para kay comedienne Boobsie Wonderland na must-have tuwing nagta-travel...
“Ang kailangan talaga at need na need ay pera.
“Paano mo ma-e-enjoy ang bakasyon kung wala kang pera? E 'di, nganga ka!”
'Yan at iba pang travel must-haves ng iyong favorite Kapuso stars sa chika ni Cata Tibayan:
Jak Roberto shares his tech must-haves for starting your own YouTube channel