
The Good Daughter and My Beloved
Panoorin LIVE ang press conference ng dalawa sa much-awaited shows ng Kapuso Network for 2012, ang The Good Daughter and My Beloved on February 7, Tuesday. Don't miss these exclusive events!
Episode 7
Patuloy na gagalawin ng lalaki si Melissa. Hindi naman makalaban ang babae sa sobrang kahinaan. Maiiyak na lamang si Melissa at aalalahanin ang mga araw na pinapatahan siya ng kaniyang ina tuwing natatakot siya. Unti-unting mapapapikit si Melissa at magdadasal na sana ay masamang panaginip lamang ang lahat ng nangyayari mga sa kanya.
Hindi mapakali si Roberto. Labis ang pag-aalala niya dahil hindi niya matawagan si Melissa. Papakalmahin siya ni Lucio at tatawagan ang mga pulis upang humingi ng tulong.
Episode 62
Binawi kaagad ni Kara ang nasabi niya, ang ibig daw niyang sabihin kay Norman ay parang tatay na niya si Renato kaya close sila.Sinita ni Lola Berta si Kara, magiging dahilan na naman daw ito para mapahamak si Angela kay Norman.
Nakita ni Renato na mina-manhandle ni N orman si Angela, pinagsabihan ni Renato si Norman, nagalit si Norman. Nakiusap naman si Angela na huwag silang pakialaman ni Renato.


