Aired (June 13, 2026): #ReportersNotebook: “Pagyanig sa Mindanao” Dahil sa malakas na pagyanig, gumuho at nasira ang mga gusali, nagkaroon landslide, at may residenteng nawalan ng mahal sa buhay. Ito ang ilan sa mga iniwang pinsala ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa iba't ibang bahagi ng Mindanao. Sa General Santos City, nasaksihan ng mga estudyante at guro ang malakas na pagyanig sa mismong unang araw ng klase. Sa Glan, Sarangani, maraming kalsada ang nabiyak at natabunan ng landslide, habang ilang pamilya ang nagluksa matapos madaganan ng gumuhong mga bahay. Paano nga ba hinarap ng mga residente ang isa sa pinakamalalakas na lindol na tumama sa bansa? At paano unti-unting bumabangon ang mga komunidad na labis na naapektuhan? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook