Magandang umaga, mga ka-Born! Isang lalaki ang nakunan na hawak ang buntot ng isang musang matapos ma-trap sa isang silo! Kaya naman si Doc Ferds Recio kasama ang DENR, dadalawin ito para suriin. Maabutan pa kaya nilang buhay ito? Samantala, habang sinusuri ni Doc Nielsen Donato ang mga palaka sa loob ng isang kawayan. Bigla na lang itong naihi! Ito raw kasi ang kanilang depensa kapag nalalagay sila sa panganib! Lahat ng 'yan dito lang sa #BornToBeWild! WALANG AATRASAN PARA SA KALIKASAN!