Aired (July 3, 2017): Buong buhay ni Nimfa ay tinanggap niya na siya ay hindi biniyayaan ng magandang mukha at kadalasang nagiging ??tampulan ng tukso dahil sa kanyang wangis. Ngunit nang may isang binatang nagpakita sa kanya ng kagandahang loob inakala niya na ito na ang kanyang pag-ibig na hinihintay. Pero isang pangyayari ang kanyang masasaksihan na magpapabatid sa kanya na balatkayo lang ang lahat.