Makakasama ni Limitless Star Julie Anne San Jose ang Pop-Rock Royalty na si Yeng Constantino at Pinoy rap legend na si Gloc-9 sa bagong season ng 'The Voice Kids', na magsisimula na sa September 13. Sila ang uupo sa iconic red chairs bilang coaches ng singing competition.